Amerikano, nilooban at pinatay sa Cavite

Noel Alamar, DZMM

Posted at Jun 21 2017 03:57 PM

Patay ang isang Amerikano matapos pasukin at pagnakawan ang kanyang bahay sa Silang, Cavite.

Kinilala ni Silang Chief of Police Superintendent Lorie Tarrazona ang biktima na si Michael Richard Jensen.

Ayon kay Tarrazona, pinasok ng 4 na hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ng biktima sa Cheauteaux De Paris, Barangay Inchican, Silang sa pamamagitan ng pagtalon sa bakod at pagbasag sa salamin ng pintuan ng bahay.

Nang makapasok, binaril ng mga ito ang biktima na tinamaan sa kanyang baba.

Tinangay ng mga suspek ang laptop, cellphone at halagang P3,000 bago tumakas.

Hindi rin sinaktan ang mga kasama sa bahay ng biktima.

Isinugod sa Southern Luzon Hospital sa Sta. Rosa ang biktima pero idineklarang dead on arrival na ito doon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.