150 bahay, natupok sa Maynila

Jerome Lantin, ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 07:26 PM | Updated as of Jun 21 2017 11:05 PM

MANILA - Tinatayang 150 bahay ang nasunog sa Brgy. 734 sa Paco, Maynila nitong Miyerkoles.

Umabot sa ika-limang alarma ang sunog at 300 pamilya naman ang nawalan ng bahay.

Mabilis kumalat ang apoy dahil karamihan umano sa mga bahay ay gawa sa kahoy.

Away ng live-in partners ang tinitignang naging sanhi ng sunog na sumiklab ala-una ng hapon.

Nasa kustodiya ngayon ng mga awtoridad si Joey Trinidad para imbestigahan, habang tumakas naman ang kanyang live-in partner.

"Kapag napatunayan iyan ay sasampahan natin sila ng kaso dahil ang daming na-perwisyo sa nangyari,” ani Senior Insp. Reden Alumno, chief arson investigator ng Bureau of Fire Protection-Manila.

Dahil sa sunog, kinailangang isara ng ilang oras ang southbound lane ng Osmeña Highway, na nagdulot na mabigat na trapiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.