PatrolPH

Lalaki timbog sa P24 milyong halaga ng 'shabu' sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2022 03:16 PM

CEBU — Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng P24-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Lawaan 1, Talisay City Sabado ng gabi.

Nakuha sa 34-anyos na suspek na mula Sta. Ana, Manila ang 3 kilo ng umano'y droga.

Ayon kay Police Lt. Col. Randy Caballes, hepe ng Talisay City Police Station, matagal nilang minanmanan ang suspek.

"Buwan-buwan siyang dumadayo sa Cebu na dala-dala ang droga kaya matagal siyang nahuli,” aniya.

Dagdag ni Caballes, ibinebenta rin umano ng suspek ang droga sa buong Metro Cebu. Dahil dito ay itinuturing bilang high-value individual ang nahuli.

“Siya din umano ang pinagkukunan ng ilang courier sa buong Cebu,” aniya.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. Samantala, inaalam na din ngayon kung paano nakalusot ang dalang droga ng subject pati na rin ang posibleng mga kasabwat nito.

ILAN PANG BALITA

Watch more News on iWantTFC

—Ulat ni Annie Perez

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.