PatrolPH

Pulis sa Davao de Oro, sinaksak ng lalaking hinuli niya dahil sa curfew

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2021 10:37 PM

Sugatan ang 27 taong gulang na pulis na si Janry Cabrera Rabe matapos pagsasaksakin umano ng lalaking hinuli niya dahil lumabag sa curfew Linggo ng madaling araw sa Barangay Poblacion, Monkayo, Davao de Oro.

Ayon sa Monkayo Police, hinuli ng biktima si De-Jun Ruyana Melindo, 29, dahil sa paglabag umano sa curfew, kung saan nauwi ito sa alitan.

Sinaksak umano ng suspek si Rabe sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sa hot pursuit operation, natunton si Melindo sa bahay ng kaniyang ina at hinuli. 

Inihahanda na ang kasong kriminal laban kay Melindo. Nagpapagaling naman sa ospital ang biktima.

- ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.