PatrolPH

Pinakamatandang tao sa bayan sa Aklan, nabakunahan na kontra COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2021 03:36 PM

Pinakamatandang tao sa bayan sa Aklan, nabakunahan na kontra COVID-19 1
Nakatanggap na si Brigida Panadero, 105 taong gulang, ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa bayan ng Altavas, Aklan nitong Sabado. Kuha ng Altavas Rural Health Unit

Nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 ang pinakamatandang tao sa bayan ng Altavas sa Aklan nitong Sabado.

Nasaksihan ni Brigida Panadero, 105 taong gulang na residente ng Barangay Poblacion, ang dalawang pandemya na tumama sa mundo. 

Ito ang Spanish flu noong taong 1918 na umabot sa 500 milyong tao ang nahawahan at ngayon ang COVID-19.

As of June 18, meron nang naitatalang 99 COVID-19 cases sa Altavas, kung saan 43 dito ay active cases. Sa buong lalawigan ng Aklan, umabot na sa 3,406 ang kabuuang bilang ng mga kaso, kung saan 888 dito ay active.

Layunin ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 58 milyong Pilipino ngayong taon upang makamit ang herd immunity. Nasa 8 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na, ayon sa gobyerno.

--Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.