PatrolPH

Engineer patay sa pamamaril sa Calbayog City

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2021 11:47 AM | Updated as of Jun 20 2021 12:48 PM

Engineer patay sa pamamaril sa Calbayog City 1
Patay sa pamamaril ang isang engineer sa Calbayog City, Samar noong Hunyo 19, 2021. Courtesy of Kabalikat CIVICOM 427

Patay sa pamamaril ang isang engineer sa Calbayog City, Samar, gabi ng Sabado, ayon sa pulisya.

Kinilala ng Eastern Visayas police ang biktima bilang si Salvador Biliran, 59 at tauhan ng lokal na pamahalaan ng Calbayog.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing sa isang talipapa ang biktima at sasakay na sa SUV nang bigla siyang pinagbabaril ng 2 hindi pa nakikilalang salarin.

Dinala pa sa ospital ang bitkima pero idineklara ring patay.

Nagsagawa naman ang operasyon ang pulisya para makilala ang mga salarin at mahuli ang mga ito.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.