PatrolPH

E. Visayas nakapagtala ng 712 dagdag na COVID-19 cases

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2021 11:22 AM

Muling naitala ang mataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Ngayong araw ng Linggo, aabot sa 712 ang bilang ng mga dagdag na kaso sa rehiyon, base sa tala ng lokal na Department of Health (DOH).

Nanggaling umano sa Tacloban City ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso, na nasa 106.

Sa tala ng DOH, 40.71 porsiyento ang positivity rate ng COVID-19 sa rehiyon, base sa dami ng bagong kasong naitatala sa loob nang 1 araw lamang.

Ikinabahala ng DOH ang patuloy na pagtaas ng mga kaso sa rehiyon, lalo't halos puno na ang mga ospital doon.

Kaya patuloy na nanawagan ang ahensiya sa mga taga-Eastern Visayas na sumunod pa rin sa health protocols at huwag lumabas ng bahay kung hindi naman importante ang lakad.

Nagpatupad na ng quarantine restrictions sa ilang lugar sa rehiyon.

Sa Tacloban City, ilang barangay ang naka-localized lockdown.

Kamakailan, nakapagtala ang maraming lugar sa labas ng NCR Plus ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.

— Ulat ni Jenette Ruedas

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.