PatrolPH

Labis na pag-inom ng milk tea nakabubulok ng ngipin: dentista

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2020 02:41 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nakahihiligan mo ba ang milk tea? 

Ipinayo ng isang dentista na maghinay-hinay sa pag-inom ng milk tea at iba pang matatamis na inumin sapagkat nakabubulok ng ngipin ang sobrang pag-inom nito. 

Sa programang "Good Vibes" ng Teleradyo, sinabi ni Stephen Almonte, isang dentista, na ang labis na pag-inom ng ma-asukal na inumin gaya ng milk tea ay nagpapabulok ng ngipin. 

"Ang examples dito ay carbohydrates so kanin, softdrinks, at milk tea so ito 'yung matataas na sugar content," ani Almonte sa programa. 

Nang tanungin kung bakit kasama ang milk tea, ipinaliwanag ng dentista na may component ang asukal na isinasama sa milk tea na nakapagpapabulok ng ngipin. 

"Definitely they would produce acids, 'yun ang bumubutas ng enamel at 'pag malapit na sa pulp 'yun ang sobrang sakit," ani Almonte.

Payo ni Almonte, kung maaari ay maghanap ng alternatibo, gaya ng iced coffee o milk tea na walang asukal. 

"'Yung lahat naman ng sobra masama eh. So we’re not saying get rid of sugar. We should consume at least 6 tsp in our body for women, 9 for men... You get that from the sources of your [daily food intake]," ani Almonte. 

At para mabawasan ang banta ng pagkabulok ng ngipin, dapat magsipilyo dalawang beses sa isang araw. 

Dapat ding sundin aniya ang tamang pamamaraan ng pagsisipilyo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.