Mahigit 200 ang mga nagsipagtapos sa PMMA ngayong taon at may mga iba pang mga taga-Ilocos na nakuha ang diploma. Kuha ni Philip Garcia Pascua

Tatlong kadete mula Ilocos Region ang napabilang sa mga Top 10 ng Philippine Merchant Marine Academy Masakbayan Class of 2020.
Si Ensign Ivan Canlas, 23, na tubong Vintar, Ilocos Norte, ay pumangalawa sa Batch 2020 ng mga kumuha ng Bachelor of Science in Marine Engineering.
“I am so happy. My family is very proud of me at doon pa lang ay panalo na ako," ani Canlas, na inalay ang tagumpay sa kaniyang pamilya.
Ika-anim naman si Ensign Wendell Barber ng Ilocos Sur sa parehong kurso.
Sa buong klase naman ng mga nagsipagtapos ng Marine Transportation, top 5 si Ensign Lyndon Acob mula bayan ng Bacarra, Ilocos Norte.
Mahigit 200 ang mga nagsipagtapos sa PMMA ngayong taon at may mga iba pang mga taga-Ilocos.
Dahil sa pandemya, tahimik na ginanap ang graduation ceremonies ng PMMA nitong Biyernes sa Zambales. Walang mga bisita at nasunod ang mga health protocol tulad ng physical distancing at pagsusuot ng facemask.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
site only, slideshow, Regional news, Tagalog news, PMMA, Ilocos Region, Region 1, PMMA taga Ilocos