Suspek sa 'rent-tangay' timbog sa Angeles

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2019 03:33 AM

MAYNILA - Timbog ang isang lalaki na sangkot umano sa "rent-tangay" scheme sa isang hotel sa Angeles City, Pampanga nitong Martes.

Dinakip si Luisito Briones, 45 anyos, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong carnapping, ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay Police Capt. Arvin Hosmillo ng CIDG, ikinasa ang operasyon matapos ireklamo sa kanilang opisina ang suspek.

"'Yung modus nila is like 'rent-tangay,' 'rent-sangla.' Nagre-rent sila ng mga sasakyan and then ibebenta nila o isasangla sa mga financer ng casino," aniya.

Tumanggi namang magkomento si Briones nang kunan ng pahayag ng ABS-CBN News. - Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.