Paaralan sa Dumaguete City, natupok

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2019 10:58 PM

Isang sunog ang sumiklab sa isang paaralan sa Barangay Calindagan, Dumaguete City pasado ala-una ng madaling araw Huwebes.

Malaki na ang apoy sa Dumaguete National High School nang dumating ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa nasabing paaralan.

Umabot sa second alarm ang sunog at tumagal ng dalawang oras bago idineklarang under control ito, ayon sa BFP.

Sa 14 na classroom na nasunog, 11 dito ang nai-ulat na nawasak at 3 naman ang bahagyang napinsala kaya pansamantalang isinagawa ang klase sa school gym ng may 500 na mga estudyante mula sa Grade 7 at 8.

Hindi pa makumpirma ng BFP kung elektrikal ang dahilan ng sunog pero napansin nito na nagkaroon ng pagtilamsik sa loob ng isa sa mga nasusunog na classroom. - ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.