4 arestado sa Makati buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2019 04:24 AM

MAYNILA - Arestado ang 4 na lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Tejeros, Makati City Miyerkoles ng gabi.

Nasamsam sa kanila ang nasa 128 pakete ng hinihinalang shabu na may halagang P25,000.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City police, ikinasa ang operasyon laban kay alyas Badboy na dati nang nakulong dahil din sa droga.

"Marami nang nagrereklamo. Galing kulungan pero balik sa ginagawa," aniya.

Mga runner umano ni alyas Badboy ang 3 lalaki na kasamang nahuli, pero pinabulaanan nila ito.

"Hindi ako gumagamit. Hindi ako nagtutulak," depensa ng isang suspek.

Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.