2 preso ng Quezon City Jail nakatakas matapos ang hearing sa korte

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2019 08:21 PM

MAYNILA - Pinaghahanap na ang 2 inmates ng Quezon City Jail na sinasabing nakatakas nitong Huwebes.

Kinilala ang mga pumuga na sina John Kerwin Clemente at Ariel Consulta na nakatakas umano matapos ang kanilang hearing sa korte, ayon kay Police Brig. Gen. Joselito Esquivel, hepe ng Quezon City Police District.

Naaresto si Clemente noong Marso 19 habang si Consulta ay naaresto noong Abril 12 dahil sa paglabag umano sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.