2 preso nakatakas mula sa Quezon City Jail

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2019 11:09 PM

Dalawang preso ng Quezon City jail ang nakatakas dakong alas-nuebe ng umaga ntong Huwebes.

Kinilala ang mga pugante na sina John Kerwin Clemente at Ariel Consulta.

Ayon sa awtoridad, nasa Quezon City Regional Trial Court Branch 82 sina Clemente at Consulta kasama ang 21 pang inmates para sa pagdinig.

Tumakas umano ang 2 suspek habang isinasagawa ang pagdinig. Ayon sa mga imbestigasiyon, wala namang nakatakdang hearing sina Clemente at Consulta dahil sa Hulyo pa ang kanilang pag-lilitis.

Pumunta na ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology sa Quezon City Hall of Justice upang i-review ang CCTV footage sa pinangyarihan ng insidente.

Marso 19 nang maaresto ng pulis si Clemente habang April 12 naman naaresto ng awtoridad si Consulta.

Pareho silang may kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.