P6.8 milyong halaga ng marijuana, sinunog sa Cebu

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2018 08:25 PM

Sinunog ng mga awtoridad ang 17,172 na tanim ng marijuana sa Cebu City nitong Miyerkoles. Philippine Drug Enforcement Agency-7

Sinunog ng mga awtoridad ang nasa P6.8 milyong halaga ng tanim na marijuana sa isang plantasyon sa Barangay Tagbao, Cebu City, Miyerkoles ng umaga.

Arestado ang umano'y nangangalaga sa mga tanim na marijuana na si Ireneo Borres, 50 anyos.

Ayon sa tagapagsalita ng PDEA-7 na si Leia Albiar, naabutan pa ng grupo si Borres na nagdidilig ng mga tanim na marijuana.

Umabot sa 17,172 na tanim ng marijuana ang natagpuan sa nasabing plantasyon na agad binunot ng mga awtoridad.

Dahil mahirap ibaba mula sa bukid ang libo-libong tanim na marijuana, napagdesisyonan ng grupo na sunugin na lang ito sa lugar.

Dagdag ni Albiar, dalawang linggo nilang sinubaybayan ang plantasyon bago nila nilunsad ang raid.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.