Mister ng kapitana, binaril sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2018 07:34 AM

ALBAY - Patay ang mister ng isang punong barangay matapos pagbabarilin sa kanilang bahay sa Barangay Bacolod, Libon, Albay Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Regondola, 62 anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog lang sa upuan ang biktima malapit sa gate nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin pasado alas-5 ng hapon.

Dating empleyado ng lokal na pamahalaan ng Libon ang biktima.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang. - ulat ni Karren Canon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.