Bangkay, natagpuan sa ilalim ng kama sa Iligan motel

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2018 05:44 PM

ILIGAN CITY — Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa ilalim ng kama sa isa sa mga kuwarto ng isang motel sa Barangay Paolo noong hapon ng Martes, Hunyo 19.

Nahanap ng mga tauhan ng motel ang bangkay ng babaeng nakahubad, nakaposas, at may nakataling straw sa leeg.

Sinasabing mula sa Saguiaran, Lanao Del Sur ang biktima at dating hospital staff sa Marawi City.

"The victim was already decomposing and hardly recognizable but the relatives of the victim were able to identify her from her build," ani Chief Inspector Mark Anthony Cagalitan.

Ilang beses nang inireklamo ng ibang bisita sa motel ang masangsang na amoy kaya hinanap ng tagalinis na si Virginia Garcia at ng motel supervisor kung saan ito nanggagaling.

Hinala ng mga awtoridad ay tatlong araw nang naroon sa kuwarto ang bangkay.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pinaghahanap na rin ang huling pitong taong gumamit ng kuwarto.

-- Ulat ni Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.