PatrolPH

2 umano'y miyembro ng sindikato patay sa Zamboanga

Jewel Reyes, ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2018 09:29 AM | Updated as of Jun 20 2018 04:34 PM

2 kasamahan tiklo

2 umano'y miyembro ng sindikato patay sa Zamboanga 1
Nakahandusay ang bangkay ng isa sa 2 miyembro umano ng sindikato na napatay sa Zamboanga del Norte. Larawan mula sa Zamboanga police

SIOCON, Zamboanga del Norte (UPDATED) – Patay ang 2 hininalang miyembro ng Isnain Lumiguis crime syndicate makaraang makipagbarilan umano sa awtoridad sa bayan na ito, Martes. 

Kinilala ang mga napaslang na sina Ali Lumiguis at Ato Lumiguis. Kabilang sila sa 7 armadong lalaki na nakasagupa ng mga sundalo sa Sitio Bayol, Barangay Malambuhangin. 

Naaresto naman ang 5 pang miyembro ng grupo na nasa kustodiya na ngayon ng Siocon Municipal Police Station. 

Nakatakas naman ang dalawang iba pa nilang kasamahan.

Narekober mula sa mga nasawi ang tatlong baril at mga bala. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.