2 nakamotorsiklong 'snatcher,' tiklo sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2018 09:24 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Naaresto ng mga pulis nitong umaga ng Miyerkoles ang dalawang nakamotorsiklo na pinagbibintangang snatcher sa Matimyas, Quezon City. 

Tinangka umano nina Romula Joaquin at Jonathan Abanto na magnakaw pero nakatawag ng pulis ang biktima kaya nahuli sila.

Apat na insidente ng snatching ang umano ay kinasangkutan ng mga suspek, ayon sa mga awtoridad, kabilang ang isa sa D. Tuazon Avenue na nakuhanan pa ng CCTV. 

"Karamihan sa mga victim nila ay mga kababaihan at iisang lugar iyong kanilang pinaglalaruan," ani Quezon City Police Disctrict (QCPD) Station 11 head Superintendent Tomas Nuñez.

Nakuha sa mga suspek ang motor na ginagamit umano nila sa pagnanakaw at ilang gamit ng biktima. 

Inamin ng dalawang nahuli ang nagawang krimen.

Inaalam na ng QCPD kung may iba pang kasabwat ang dalawa.


-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.