1 patay, 3 arestado sa droga sa Kamaynilaan

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2018 06:09 AM

Watch more in iWant or iWantTFC

Nakuhanan ng video ang isang lalaki na gumagamit ng ilegal na droga sa palikuran ng isang gasolinahan sa Pasay City. Video mula sa Pasay City Police Community Precinct 9

MAYNILA - Patay ang isang hinihinalang tulak habang arestado ang 3 iba pa sa magkahiwalay na operasyon sa Kamaynilaan.

Sa Tondo, Maynila, nauwi sa putukan ang buy-bust operation na ikinasawi ng isang alyas Mama.

Nakuha mula sa suspek ang 2 sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril.

Samantala, nahuli ang isang tindero na gumagamit ng droga sa isang gasolinahan sa Pasay City.

Ayon sa suspek, nagawa niya ito para gumanti matapos pagbawalan na pagamitin sa palikuran ng establisimyento.

May isang concerned citizen ang nagsumbong sa pulisya ukol sa kahina-hinalang kilos ng suspek.

Sa Cubao, Quezon City, kalaboso ang 2 lalaki sa ikinasang buy-bust operation.

Nagkaroon pa ng habulan matapos magtangkang tumakas ang mga suspek. Narekober sa kanila ang 12 sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga hinuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat nina Jervis Manahan, Arra Perez, at Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.