PatrolPH

TINGNAN: Pampasaherong jeep nagliyab sa Davao CIty

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2021 01:09 PM

Watch more on iWantTFC
Defective auto electrical wiring ang nakikitang sanhi ng pagliyab ng apoy sa isang pampasaherong jeepney sa Davao City. Video kuha ng Team Mayjay

Nagliyab ang isang pampasaherong jeep sa MacArthur Highway sa Matina, Davao City Biyernes ng umaga.

Sa video, makikita ang pagliyab ng apoy sa harap at ilalim ng jeep.

Kita din sa video ang pagtangkang maiangat ang hood ng jeep.

Naapula ang apoy matapos gamitan ng fire extinguisher.

Wala namang nasaktan sa insidente dahil nakababa din agad ang driver at mga pasahero ng jeep.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Davao, defective auto electrical wiring ang sanhi ng apoy.

Payo ng BFP na ugaliing suriin ang sasakyan bago bumiyahe para maiwasan ang aksidente.

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.