PatrolPH

Lottery teller sa Davao del Sur, patay sa pananaga ng umano'y menor de edad

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2021 12:35 AM

Patay sa pananaga ang teller ng isang small town lottery (STL) outlet sa Malalag, Davao del Sur, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Antonio Relatado Torreon, 27, na nagtatatrabaho sa STL sa Purok 6, Barangay New Baclayon.

Ayon sa pulisya, natutulog sa loob ng kaniyang bahay si Torreon nang pasukin ng isang lalaki ito at bigla siyang pinagtataga gamit ang isang karit.

Sa manhunt operation ng Malalag PNP, natunton ang umano'y responsable sa krimen na si "Kentoy", na 16-anyos pa lamang.

Naiwan umano ang tsinelas at jogger pants nito sa labas ng bahay ng biktima.

Naisugod ang biktima sa Davao del Sur Provincial Hospital sa Digos City pero pumanaw ito dahil sa tindi ng mga sugat sa katawan.

Dinala sa Women and Children's Desk ng Malalag PNP ang menor de edad.

--Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.