Libreng bangka, alok ng Navotas sa mga kwalipikadong mangingisda

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2020 06:47 AM | Updated as of Jun 19 2020 10:31 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Naglunsad ng livelihood program ang lokal na pamahalaan ng Navotas para sa mga kwalipikado nilang mangingisda sa lungsod.

Handog ng “NAVOBangkabuhayan” program ang mga libreng bangka para sa mga mangingisda na pasok sa mga sumusunod na kwalipikasyon:

  • Pinakamahirap sa mahirap, prayoridad din ang mga walang pag-aaring bangka
  • Rehistradong mangingisda at botante sa lungsod
  • Prayoridad ang may 3 o higit pa na kamag-anak na umaasa sa kanya
  • Walang masamang record sa komunidad
  • Negatibo sa drug test
  • May kwalipikadong kasamahan na puwedeng gawing co-owner ng bangka
  • Dapat makilahok sa paggawa ng mga fiberglass boat

Sakaling may pag-aaring bangka ang isang aplikante, puwede pa rin mag-apply kung maipapakitang sira at hindi na napapakinabangan ang bangka, at kung wala ring kakayanan ang may-ari para maipaayos pa ito.

Sa mga karagdagang detalye hinggil sa programa, maaring makipagugnayan sa lokal na pamahalaan ng navotas o kaya’y silipin ang kanilang official social media accounts.--Ulat ni Lyza Aquino,