Fish vendor patay, pulis sugatan sa away sa Legazpi City

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2020 06:09 PM

LEGAZPI CITY - Patay ang isang fish vendor habang sugatan naman ang isang pulis nang magkaalitan dito sa siyudad Huwebes ng gabi. 

Nakilala ang fish vendor na si Hermel Atos. Nabaril siya ni Police Master Sgt. Ervin Dalde matapos niya umano ito saksakin. 

Isinugod din sa ospital at inoperahan si Dalde dahil sa mga saksak nito sa katawan mula sa biktima, ayon sa tagapagsalita ng Legazpi City Police Station na si Chief Master Sgt. Gilbert Patacsil Jr.

Nasa ospital pa rin ang pulis na nakadetalye sa Supply Division ng Albay Police Provincial Office. Off duty siya nang mangyari ang insidente.

Bago umano ang insidente, nagkaroon muna ng pagtatalo sina Atos at Dalde sa hindi pa matukoy na dahilan. 

Panawagan ngayon ng pulisya sa mga nakakita sa insidente na makipagtulungan sa kanila para makumpleto na ang kanilang imbestigasyon.

- Thea Omelan, ABS-CBN News