Tren ng MRT nagpababa ng mga pasahero matapos magkaaberya

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 11:05 AM

MAYNILA - Tinatayang nasa 700 daan pasahero ang naapektuhan matapos na magkaaberya ang isang tren ng Metro Rail Transit, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa abiso ng Department of Transportation, nagkaroon ng electrical failure ang isa sa mga tren nito sa Guadalupe Station pabiyaheng northbound dakong 8:28 ng umaga.

Pinababa ang mga naapektuhang pasahero sa pagitan ng Buendia at Guadalupe Stations. Muli silang pinasakay sa sumunod na tren makalipas ang 8 minuto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.