Magsasaka patay matapos tamaan ng kidlat habang nag-aararo sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 04:44 PM

Namatay nang tamaan ng kidlat ang isang magsasaka habang nag-aararo sa bayan ng Piddig sa Ilocos Nortes. Dianne Dy, ABS-CBN News

PIDDIG, Ilocos Norte – Patay ang isang magsasaka nang tamaan ng kidlat habang nag-aararo sa bukid dito sa bayan Lunes ng hapon. 

Nakilala ang magsasaka na si Danilo Andres, 36.

Ayon sa pulisya, umulan nang malakas habang nag-aararo sa bukid sa Barangay Sta. Maria si Andres. 

“Malakas ang ulan… unang kumidlat, hindi natakot. Ayun, pangalawang kidlat natamaan ang ulo,” sabi ni Police Cpl. Jessie Aquino.

Naitakbo pa sa Piddig District Hospital si Andres pero idineklara na itong dead on arrival.

Ayon sa PAGASA, panahon na ng habagat kaya madalas na may namumuong kulog at kidlat. 

“Magkakaroon ng cumulonimbus clouds kaya mostly may kidlat mga 3 p.m. to 4 p.m.,” sabi ni weather observer Reynaldo Gabbuat ng PAGASA-Laoag City.

Payo niya na iwasan ang open area, sumilong agad sa ilalim ng matataas na puno o poste at kung walang matatakbuhan, mag-squat kapag kumikidlat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.