Mag-live in partner huli sa buy-bust sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 07:37 AM

Timbog ang mag-live in partner na sina alyas "Joey" at "Felicisima" matapos mahulihan ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Makati, Miyerkoles ng madaling araw, ayon sa mga awtoridad.

Nahulihan ng 2 sachet ng hinihinalang shabu ang mga suspek sa bahay ng mga ito sa Barangay West Rembo.

Samantala, balik-kulungan ang isang 41-anyos na lalaki matapos mabilhan umano ng ilegal na droga ng mga pulis sa buy-bust operation sa lungsod.

Ayon sa mga awtoridad, kumagat ang suspek na si alyas "Otoy" sa bitag ng mga operatiba na umaresto kaagad kay Otoy.

Aabot sa 43 sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa suspek. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.