Lola, patay nang masagasaan ng bus

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 07:26 PM

Bigla umanong tumawid ang matandang babae sa kalsada at nabangga ng bus sa Barangay Cawayan sa bayan ng Catarman sa Northern Samar. Larawan mula sa Facebook page ng Catarman Ine FS

CATARMAN, Northern Samar - Patay ang isang 76-anyos na babae matapos na masagasaan ng bus sa Lunes ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Nena Obong. Nadala pa sa ospital ang biktima pero namatay rin habang ginagamot.

Ayon sa Northern Samar Police Provincial Office, galing sa bayan ng Pambujan, Northern Samar at papuntang Maynila ang Elavil Bus.

Pagdating sa national highway sa Barangay Cawayan sa Catarman bigla umanong tumawid ang biktima. Iiwasan sana ng driver ng bus ang matanda pero bumalik ito sa kaliwang bahagi ng daan kaya nabangga pa rin siya.

Sinagot ng may-ari ng bus company ang mga gastusin tulad ng pagpapalibing sa biktima. Nagkaayos na rin ang kamag-anak ng biktima at may-ari ng bus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.