Kalahating milyong halaga ng 'shabu', nasamsam sa Bacolod City

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 12:10 AM | Updated as of Jun 19 2019 12:11 AM

BACOLOD CITY - Kalahating milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Bacolod City Police Station 3 at Philippine Drug Enforcement Agency Provincial Office sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Bacolod City nitong Martes.

Arestado ang 30-anyos na suspek sa operasyong isinagawa ng Police Station 3 Martes ng madaling araw. Nakuha sa kaniya ang 16 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P200,000.

Ayon sa suspek, planted umano ang drogang nakuha sa kaniya.

Arestado naman ng PDEA sina alyas "Wewe" at alyas "JR" sa hiwalay na operasyon. Nakuha sa kanila ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa opisina ng PDEA.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.