Higit P74-M halaga ng pekeng luxury goods nasabat sa Malate

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 09:06 PM

MAYNILA—Nasabat ang mahigit P74 milyong halaga ng pekeng luxury bags, wallet, sapatos at iba pa sa isang mall sa Malate Miyerkoles.

Sa bisa ng search warrant, kinompiska ng National Bureau of Investigation ang mga pekeng produkto matapos magreklamo ang kompanyang Louis Vuitton.

Kinasuhan naman ang mga may-ari ng mga stall mall sa paglabag sa Intellecual Property Rights Law. 

Ipe-presenta sa korte ang mga nakompiskang produkto bilang ebidensya at sisirain pagkatapos. 

Tumanggi namang magbigay ng panayam ang naturang mall. 

Noong nakaraang Biyernes, ni-raid din ng NBI ang Divisoria dahil sa mga binebentang pekeng produkto ng Michael Kors. Nasamsam ang P4.9 milyong halaga ng mga bag at wallet.—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.