AWOL na sundalo timbog sa drug bust sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 07:31 AM | Updated as of Jun 19 2019 07:32 AM

Timbog and 2 suspek, kabilang isa umanong AWOL na sundalo, sa isang anti-drug operation sa Cubao, Quezon City Miyerkoles ng umaga.

Nag-kasa ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa Barangay E. Rodriguez at target nila si at isang Alyas Eril, isang AWOL na sundalo at si Alyas Daisy, 39 anyos, ayon kay Police Capt. Ramon Acquiatan ng Cubao Police Station.

Walong sachet ng hinihinalang shabu ang nahuli mula sa mga suspek na kagad na idinala sa Cubao Police Station.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. - Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.