5 suspek nahulihan ng shabu sa tabi ng riles sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 07:35 AM

Timbog ang 5 suspek, kabilang ang isang babae, na gumagamit umano ng ilegal na droga sa tabi ng riles ng tren sa Sampaloc, Maynila, ayon sa mga awtoridad.

Rumuronda ang mga pulis malapit sa riles ng Philippine National Railways sa Barangay 576 sa Sampaloc nang namataan ang mga suspek, ayon sa Manila Police District.

Nang siyasatin ng pulis ang mga suspek, nakitaan umano ang mga ito ng ilang sachet ng hinihinalang shabu. Agad inaresto ang mga suspek at dinala sa Sampaloc Police Station.

Napag-alaman na nasa drugs watchlist ng nasabing barangay ang ilan sa mga suspek. - Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.