1 sugatan nang mauwi sa pananaga ang inuman ng mag-ama

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 04:49 PM

Nauwi sa pananaga ang inuman ng mag-amang Relos sa Sagay City. Larawan mula sa Sagay City Police 

Sugatan ang isang 65 anyos na lalaki matapos pagtatagain umano ng kaniyang anak sa Purok Kulo, Barangay Bulanon sa Sagay City.

Sa imbestigasyon ng Sagay City Police, Lunes ng hapon nang mag-inuman ang mag-amang Victor at Bernardo Relos dahil kaarawan ng huli.

Pero nang malasing na umano si Bernardo, nag-away sila ng ama. Humantong umano ang away sa pananaga ng suspek sa ama.

Agad namang naaresto ang suspek at nasampahan na ng kasong frustrated parricide. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.