Motorsiklo pumailalim sa truck; babae nahati ang katawan

Jekki Pascual at Jeck Batallones, ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 09:07 AM | Updated as of Jun 19 2019 07:08 PM

MAYNILA (UPDATE) -- Dalawang tao ang nasawi matapos pumailalim sa truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Maynila nitong umaga ng Miyerkoles.

Dead on the spot sa aksidente sa A. Mendoza Street ang babaeng angkas ng motorsiklo na nahati pa ang katawan.

Dinala naman sa pagamutan ang rider na si Julius Tevar pero binawian din ng buhay.

Ayon kay Reynan Fajardo, driver ng 14-wheeler truck na nakabundol sa motorsiklo, isang puting pick-up truck ang nakabundol sa motorsiklo bago tumilapon ang mga biktima sa harap ng minamaneho niyang trak.

Watch more in iWant or TFC.tv

Itinanggi nina Fajardo na mabilis ang kaniyang takbo.

Galing Pampanga at papunta sanang Cavite ang truck na may kargang buhangin.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District, may mga testigong nagsabing ang pick-up truck ang unang nakahagip sa mga biktima at agad itong tumakas.

Pinaghahanap ang sasakyang sinasabing naunang nakabundol sa mga biktima.

Kakasuhan pa rin ng reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries si Fajardo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.