Konsehal ng barangay na wanted sa pamamaril, sumuko na

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2018 01:28 PM

Sumuko kay Cebu City councilor Dave Tumulak si Renante Bacarisas na suspek sa pamamaril sa kaniyang negosyanteng pinsan. ABS-CBN News

Sumuko na sa awtoridad nitong Martes si Konsehal Renante Bacarisas ng Barangay Babag na suspek sa pamamaril sa kaniyang negosyanteng pinsan.

Si Bacarisas umano ang bumaril kay George Ibona noong Linggo. Sumuko ito kay Cebu City councilor Dave Tumulak.

Kuwento niya, napuno siya sa biktima bago pa man ang barangay at Sangguniang Kabataan elections noong Mayo. Kinuwestiyon niya umano ang paglabas ng pondo ng barangay sa tulong ng asawa ng biktima na treasurer.

Tumakas si Bacarisas patungong Ozamiz City, habang nasa kritikal na kondisyon si Ibona.

- ulat ni Vilma Andales, ABS-CBN News