4 isinasangkot sa droga, patay sa pamamaril sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2018 05:17 PM | Updated as of Jun 19 2018 10:54 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Napatay noong Lunes ng gabi ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin sa Antipolo City.

Nag-iinuman sa isang bangketa sa Bgy. Mambugan ang apat na biktima nang biglang hintuan at pagbabarilin ng mga salaring lulan ng dalawang motorsiklo.

Dead-on-the-spot ang dalawa sa mga biktima habang ang dalawa ay naisugod pa sa ospital pero kalaunan ay binawian din ng buhay.

Posibleng may kinalaman sa droga ang motibo lalo at nasa listahan ng drug personalities ng barangay ang mga biktima, ayon sa hepe ng Antipolo police na si Chief Superintendent Villaflor Bannawagan.

Sangkot din umano sa mga insidente ng theft at robbery ang mga biktima.

Hiling naman ng kaanak ng mga biktima ang patas na pag-iimbestiga sa insidente.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.