2 patay sa hit-and-run sa Parañaque

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 08:14 AM

Dalawa ang patay matapos ma hit-and-run sa northbound ng Baclaran, Paranaque Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Renato Pamintuan ng Baclaran traffic, alas tres y medya ng madaling araw nang itawag sa kanila ang naturang insidente.

Tumatawid umano ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki nang mabangga at kaladkarin ng van.

Tumakas ang van at hindi naplakahan. Naiwan naman nito ang bumper sa area.

Nagdulot naman ng mabigat na trapiko sa lugar ang insidente lalo pat karamihan sa mga dumadaan ay mga malalaking truck pero dalawang lane lang ang nadadaanan nila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.