TFC News

TINGNAN: Mga ekslusibong video at larawan sa pamamasyal ni Bela Padilla sa Norway

Marco Camas | TFC News Norway

Posted at Jun 18 2022 12:37 AM | Updated as of Jun 18 2022 07:13 PM

OSLO - Namasyal, nagmaneho at tumalon pa sa dagat ng Oslo ang Kapamilya artist na si Bela Padilla matapos ng kanyang pangtatanghal sa Philippine Independence Day celebrations sa Norway na ginanap sa St. Hanshaugen Park.

Bumisita si Bela Padilla sa Norway nitong Sabado, June 11 para dumalo at mag-perform sa Philippine Independence day celebration.

fos and bela

Nagkaroon din ng pagkakataon ang aktres na libutin ang Oslo at bisitahin ang Hønefoss para makita ang ganda ng Norway at mga fjords nito. 

Bela with the statues

Nagmaneho rin siya patungo sa sikat at World class na Ski Arena sa Holmenkollen sa Oslo kung saan ginanap ang Winter Olympics noong 1952. Kinagabihan, lumabas si Padilla kasama ang TFC team sa Norway para mamasyal sa Aker Brygge. 

Kahit alas dos na ng madaling araw tumalon pa rin siya sa napakalamig na dagat ng Oslo matapos mabuyo ng kanyang mga kasama na tumalon rin sa malamig na tubig.

Amb Fos and Bela

Mainit ring tinanggap ng mga kababayang Pinoy ang aktress lalo na ni Ambassador Fos at ang kanyang pamilya. Sinamahan pa siya ni Fos na mamasyal sa sikat na Vigelands Park. 

Lumipad na pabalik ang aktres patungong London noong Linggo at naghahanda naman siya ngayon para sa kanyang Philippine Independence Day Europe Caravan sa Paris ngayong June 26. Gananpin ito sa Stade De La Muette.

Palabas ni Bela sa London

Photos by Pia Campos | Bhebzy Gallego | Marco Campos