Photos courtesy of Danilo Ortinez
(UPDATED) Ibinahagi ng residenteng si Danilo Ortinez ng bayan ng Gamay, Northern Samar ang kanilang diskarte sa harap ng pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Araw-araw silang nangunguha ng talaba sa Cadac-an River para gawin itong ulam, at ang iba naman ay kanilang ibinebenta.
Bebe o talaba ang tawag ng mga residente sa shellfish na ito.
Mula sa Barangay Bato, 3 oras silang sumasakay ng bangka papunta sa Cadac-an.
Ayon kay Ortinez, inaadobo nila ang talaba at nilalagyan ng gata at masarap na itong ulamin.
Kaya kahit malayo ang ilog, sinusulit nila ang pagsisid at pagkuha ng mga talaba dahil malinaw umano ngayon ang tubig sa kanilang ilog.
Sa isang araw nakakakuha sila ng kalahating sako ng talaba at nakatutulong na rin para maitawid ang pang-araw-araw na pagkain. — Ulat ni Ranulfo Docdocan
IBA PANG ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.