PatrolPH

Lalaki patay matapos magulungan ng truck sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2022 11:48 PM

Patay ang isang lalaki matapos magulungan ng truck sa Barangay Natividad, Barotac Viejo, Iloilo nitong Sabado ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Michael Sotelo, 35 taong gulang.

Sa imbestigasyon ng Barotac Viejo PNP, tumawid sa kalsada ang biktima para umihi sa kabilang bahagi pero nang pabalik na ang biktima ay nasagasaan ito ng parating na truck.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival dahil sa malubhang sugat sa ulo.

Napag-alaman na nakainom ng alak ang biktima nang mangyari ang insidente, ayon sa awtoridad.

Nasa kustodiya na ng Barotac Viejo PNP ang driver ng truck. - ulat ni Rolen Eacaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.