PatrolPH

Suspek sa kidnapping na 9 taon nagtago arestado; biktima di pa rin mahanap

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2021 04:39 PM

LOPE DE VEGA, Norther Samar — Nahuli noong Huwebes ang isang wanted sa bayan na ito dahil sa kasong kidnapping.

Kinilala ang suspek na si Arnel Surio, 29, construction worker at residente ng Barangay Curry, kung saan din siya natimbog.

Si Surio ay nagtatago simula pa noong 2012. 

Mayroon siyang arrest warrant mula sa Catarman Regional Trial Court Branch 20 dahil sa kasong kidnapping with serious illegal detention na walang piyansa.

Ayon sa impormasyon mula sa Lope De Vega police, ang kaso ay may kinalaman sa pagdukot ni Surio sa isang magsasaka noong Enero 2010.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ang biktima.


—Ulat ni Ranulfo Docdocan 


KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.