PatrolPH

Lalaki patay matapos magulungan ng truck sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2021 11:53 PM

Nasawi ang isang driver matapos siya magulungan ng truck sa San Miguel, Iloilo, Biyernes ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Galahad Salarda, 47, ns nakatira sa Brgy. Igtambo sa San Miguel.

Sa imbestigasyon ng San Miguel PNP, minamaneho ng biktima ang truck galing ng quarry site at pagdating sa paakyat na kalsada sa sa Brgy. San Antonio, ay biglang nasiraan ang truck at nawalan ng kontrol ang biktima.

Dahil sa takot ay tumalon ang biktima mula sa minamanehong truck, pero pumunta ang truck sa binagsakan ng biktima, dahilan upang magulungan ang ulo niya.

Kaagad na rumesponde ang MDRRMO San Miguel sa lugar at dinala sa ospital ang biktima, pero idineklara siyang dead-on-arrival.

--Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.