PatrolPH

Chinese arestado sa kasong homicide sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2021 05:27 AM

Isang lalaking Chinese na pumatay umano ng isa pang dayuhan ang inaresto ng mga awtoridad sa Clark Freeport Zone, lungsod ng Mabalacat, Pampanga nitong Martes.

Ayon sa Police Regional Office 3, hinuli si Zhihui Yan sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong homicide.

Siya ang itinuturong primary suspect sa pamamaril at pagpatay sa biktimang si Jin Hua Wu sa Angeles City noong Abril 13, 2020.

Nakakulong na ang suspek at may P240,000 na recommended bail, para sa kanyang pansamantalang paglaya. — Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.