PatrolPH

5 drug suspects arestado sa Marikina

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2021 06:54 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Dalawang magkahiwalay na operasyon ng Marikina City Police ang nagresulta sa pagkakahuli ng 5 drug suspect Huwebes.

Ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Barangka kung saan target ang lalaking si alyas Che-Che.

Ayon sa pulisya, kasama si Che-Che sa drugs watchlist dahil sa pagtutulak niya ng ilegal na droga sa lugar.

Nakapagbenta siya sa poseur-buyer ng P500 halaga ng hinihinalang shabu na naging hudyat para arestuhin siya at ang 2 pang kasama.

Nakuhanan sila ng 13 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P88,000 ang halaga.

Sa Barangay Santo Niño, kulong naman ang isang vendor at isang construction worker nang mahuli silang nagpapalitan ng hinihinalang shabu.

Nagpapatrol noon ang mga naka-sibilyang pulis nang mapansin ang dalawang lalaki.

Tatlong pakete ng hinihinalang shabu na ang kumpiskado sa kanila.

Pare-parehong mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nahuli.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.