Mangingisda sa Quezon nawawala

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2020 06:56 PM

 

Nawawala ang isang mangingisda sa Barangay Villa Belen, Quezon, Quezon matapos pumalaot nitong Linggo.

Pumalaot si Arnel Caperiña, 36, bandang 11:00 ng umaga ng araw na iyon.

Ayon kay Bayan Patroller Johndave Jimenez, hinala nilang tinamaan ng kidlat si Caperiña batay sa itsura ng gamit at bangka nito dahil maulan din umano ng panahong iyon. 

Nakuhanan ni Jimenez, ka-barangay ni Caperiña, ang na-retrieve na bangka mula sa dagat bandang alas 5 ng hapon.

Ayon naman kay Jhon Errol Sisterez, Local Disaster Risk Reduction and Management officer ng Quezon ngayong Huwebes, patuloy pa rin ang paghahanap sa nawawalang mangingisda. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.