Mag-ama patay sa pamamaril sa Cotabato

Lore Mae Andong, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2020 02:48 PM

MIDSAYAP, Cotabato -- Patay ang 2 lalaki habang sugatan naman ang isa nilang kasama nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa bayan na ito noong hapon ng Martes.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi bilang sina Paitin Lando, 53 taong gulang at kagawad ng Barangay Nabalawag, at ang kaniyang 18 anyos na anak na si Noron Mulod.

Nangyari umano ang insidente sa boundary ng Barangay Central Glad at Lower Glad sa Midsayap.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Midsayap police, sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin ng mga suspek na nakaabang sa gilid ng kalsada.

Sugatan naman ang kasama nilang si Sueb Balating Kalambi, 21.

Posibleng may nakaalitan ang mga biktima kaya umano pinagbabaril pero patuloy ang pagkalap ng impormasyon ng Midsayap police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.