MAYNILA — Tanghali na pero wala pa ring mailuto ang jeepney driver na si Alvin Relano habang naghihintay sa paradahan ng jeep sa Roosevelt Avenue, Quezon City.
Walo silang jeepney driver doon na umaasa na lang sa mga ibibigay na pagkain at donasyon ng mga dumaraan.
Sa loob nang tatlong buwan, buhat nang magsimula ang lockdown noong Marso, jeep ang naging tirahan ng mga driver, doon na rin sila kumakain at natutulog.
"Dito na po kami nag-stay, dito kami nagsasaing... Minsan may nag-aabot, minsan wala po," ani Relano.
Gustuhin man nila umuwi sa probinsya ay di nila magawa kaya hiling nila ay makabalik na sa pamamasada.
"Pakiramdam ko extend nang extend... Wala na kami maibigay sa pamilya namin. Dapat eh ibalik na hanapbuhay namin," ani Efren Torejas, isa sa mga namalimos na tsuper.
Sa huling ulat ay wala pang desisyon ang pamahalaan kung kailan muling makapapasada ang mga jeep.
Marami nang jeep ang nagmamakaawa sa pamahalaan dahil gutom umano ang inaabot nila dahil wala na ngang pasada ay wala rin namang ayuda.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, jeep, jeepney, tsuper, ayuda, Quezon City, pasada ,TV PATROL