Barangay chairman sa Laguna, patay sa pananambang

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2020 08:46 PM | Updated as of Jun 21 2020 06:23 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA (UPDATE)- Patay sa pananambang ang barangay chairman ng Barangay San Antonio sa bayan ng Kalayaan, Laguna nitong Huwebes ng hapon.

Sa inisyal na impormasyon, sakay ang biktimang si Froilan Reyes, 48, sa kaniyang sasakyan nang pagbabarilin siya sa highway sa bahagi ng Barangay Longos sa Kalayaan ng dalawang di pa nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Nadala pa ang biktima sa Pagsanjan Medical Clinic pero namatay rin siya.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng pulisya ang krimen.--May ulat ni Andrew Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.