Atienza, Remulla nagkainitan sa hearing para sa ABS-CBN franchise

RG Cruz, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2020 08:22 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Nagkainitan ang mga kongresista noong Miyerkoles ng gabi bago natapos ang mahigit 6 na oras na hearing sa Kamara para sa ABS-CBN franchise.
    
Nagkasagutan sina Buhay party-list Rep. Lito Atienza at Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla dahil hindi umano pinasasagot nang maayos ni SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ang mga taga-ABS-CBN sa kaniyang pagtatanong.

"Marcoleta was browbeating you. He was not giving you a chance to answer," ani Atienza.

Kinontra naman ito ni Remulla dahil hindi niya nagustuhan ang salitang ginamit ni Atienza sa paglalarawan kay Marcoleta.

"I object to the language being used by the gentleman. He used word browbeating very unparliamentary language. I move to strike remarks of [Atienza]," ani Remulla.

Pumalag naman si Atienza sa hakbang ni Remulla.

"I'm not willing to be corrected by you. You're also monpolizing this hearing."

Pero pinatanggal pa rin ng komite ang mga sinabi ni Atienza tungkol kay Marcoleta.
    
Pinuna rin nina Atienza at iba pang nagsusulong ng ABS-CBN franchise na mas masyadong pinagbibigyan sina Marcoleta at ibang kontra sa network para magsalita.

Pakiramdam rin ng ilang kongresista ay parang wala nang direksyon ang hearing.

"They have not proven anything to this point in time after 7 hearings, walang napaptunayan. Naghahanap sila ng records meaning they're on fishing expedition... Take better control Mr. chairman this is not a committee of one congressman," sabi ni Atienza.

Hindi na sumagot si Marcoleta sa mga banat ni Atienza.
    
Paliwanag ng liderato, patas ang panahong binibigay sa magkabilang panig para magsalita.

"I beg to disagree. Tingin ko po patas naman po, lahat may chance magsalita kahit di member ng committee hinahayaan magsalita dahil gusto ko lahat magka-chance," ani House legislative franchise panel chair Franz Alvarez.
    
Sa susunod na Martes itututloy ang hearing sa ABS-CBN franchise.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.