2 sa PISTON 6, nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2020 11:22 AM | Updated as of Jun 18 2020 11:24 AM

 

Nagpositibo sa novel coronavirus ang 2 sa anim na mga jeepney driver na nakulong matapos igiit ang pagbabalik pasada sa pagluwag ng lockdown, ayon kay Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice nitong Miyerkoles. 

"2 po sa anim na nakulong sa Caloocan Detention Facility ay nag-positive sa COVID-19. Mahalaga na ma-test din ang nakasama nila sa piitan, at ma-disinfect ang nasabing facility," sinabi ni Erice sa kanyang Facebook post.

Wala pang detalye kung sino sa anim na mga jeepney driver ang nagpositibo. 

Matatandaang nakulong ang 6 na jeepney driver na miyembro ng grupong PISTON matapos nilang manghingi ng ayuda at igiit na sila ay magbalik pasada na sa pagluwag ng lockdown.

Sa paglalathala, hinihingi pa ang panig ng grupo hinggil sa kalagayan ng mga jeepney driver.

Abangan ang iba pang mga susunod na detalye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.